Sa twing sasapit ang ganitong kapaskuhan, lagi kong naaalala yung panahon na naging OFW ako sa bansang Saudi Arabia. Dumating ako doon Sept. 2007 medyo may katagalan na pero yung experience na meron ako sa bansang iyon ay di ko kayang ipagpalit sa anumang halaga. Masasaya at mapapait halos kumpletos rekados.
Swerte ko sa pag-aabroad na iyon kasi halos wala akong ginastos kasi sagot lahat ng employer, medical and other expenses sa mga requirements. Malakas lang talaga ang backer ko which is my high school friend Maosi Hobayan. Nagkataon kaibigan niya ang magiging employer ko... hindi pala employer kundi establishment na hahawak sa akin sa pag-stay ko sa lugar na iyon. Meaning sila ang sponsor ko habang nandoon ako sa lugar na iyon.
Kasi sila ang mag-issue sa akin ng IQAMA para makapagtrabaho doon. IQAMA is one of the requirement ng mga companies para makagala ka doon.
Unang buwan ko sa lugar na iyon... Haraguy ang lungkot! Dahil tambay muna since hindi ka pa mai-supply ng employer dahil halos lahat ng connections nilang Companies ay puno na.
Buti na lang... hindi nawala ang communications ko sa boss ko dito sa 'Pinas. Kapag nakita ko siyang online sa yahoo kwento ako ng kwento kung ano ang nangyayari sa akin. Siya ang nag-aadvise sa akin kung ano ang dapat kong gawin at kung hindi ko na daw kayang magtrabaho sa lugar na iyon, uwi na lang daw ako para mamahala ng negosyo niya. Kahit paano lumalakas ang loob ko. Sabi pa niya... "ginusto mo yan panindigan mo at dapat mong kayanin, at tiisin."
After one month, ayan naisupply na ako, kaya lang ang layo. From Jubail to Yanbu I take a bus 24 hours all by myself. Kasabayan ko sa bus almost Arabo at mangilan-ngilan na mga Indiano. Ang masaklap araw pa ng Ramadan, as in bawal kumain. Nagbiyahe ako nang walang laman ang tiyan but it was amazing hindi ako nagutom. May baon ako kaya lang hindi ko makain kasi baka hulihin ako. What I did for that time is pray lang ako ng pray. Sa awa ng Diyos nakarating ako ng matiwasay.
Sinundo ako ng head coordinator ng Establishment namin sa bus station isang Pinoy din. Medo beterano na siya sa Saudi as in doon na tumanda. Kasama niya asawa niya. Then inihatid ako sa accommodation. May dalawang Pinoy doon Benson and Vincent at apat na Indiano na kasama namin sa accommodation na iyon sina Sandeep, Kumar, Anthony and Alex. Introduce yourself as usual kasi unang pagkikita at makakasama pa sa workplace.
Laking gulat ko, the next day kelangan na akong pumasok as in mag-start sa work. Good thing may service naman. Ang aga ng pasok alas sais ng umaga... so dapat alas singko or 4:30 pa lang dapat gising ka na para maghanda. Oh my goodness sabi ko sa sarili ko na may kahalong excitement.
My first work was a Secretary of Construction department. Sobrang sisiw ng trabaho lalo na't sobrang bait ng Construction Manager na may hawak sa akin isang Hapon. Tanghali pa lang tapos na ang work ko. I always ask my manager kong may ipapagawa pa siya pag sinabi niyang wala na... lakwatsa na ang lolo mo sa ibang department tulong-tulong kung ano pwedeng gawin. Madalas ako magtambay sa Procurement Department kung saan after 5 months of being a secretary inilipat ako doon. Doon ako na-challenge sa work na iyon. Bilang isang Procurement Assistant kelangan mong mag-outsource ng mga materials na gagamitin sa planta. You need to talk all the possible suppliers all around the world. Negotiate and ask bids, all the tactics how you can purchase quality products at a given period of time.
Sinosh, Me, and Yuuya (Procurement Dept) |
Sinosh, Narasimhan & Me (Procurement Dept) |
Most of the time nasa field ako to outsource local materials. Buti na lang halos lahat ng suppliers din ay mayroong empleyadong Pinoy. Nagbigay ng daan sa akin para e-enjoy ang trabaho ko.
Pero kahit anong enjoy mo na sa trabaho mo pag dumating ang Pasko kelangan mong maging senti.
Alam nyo yung pkiramdam na sasapit na ang pasko pero
- nanganagrap ka na sana nasa 'Pinas ka na lang.
- kapiling at kasama mo ang pamilya sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon..
Pero heto tayo nasa malayong lugar para mgtrabaho,
- para mabilhan ng bagong sapatos, damit, at gamit ang mga mahal natin sa buhay...
- Maibigay ang mga pangangailangan nila... kaya magtiis ng hirap, lungkot, at pananabik na mayakap, at mkasama sila sa panahong di nila tayo kasama.
Minsan, mapapatulala lang sa isang sulok at iniisip sila... tinatanong ang sarili kung
''naaalala rin ba nila tayo, o namimiss rin ba''.
'Naisip ba nila na pagod ka na minsan'
Ang hirap tlgang maging OFW... PERO
SA HULI,,, masaya tayo
kasi nakaya nating harapin ang mga pagsubok sa buhay na ating nalalampasan na hndi man lang namamalayan.
KAYA ANG PAYO KO SAYO KUNG MAG-AABROAD KA...
- ay hndi dapat solong desisyon. Kung may asawa ka, dapat pag usapan ng maige. Kapag dalaga o binata ka, magpaalam ng maayos sa pamilya.
-wag kang mag aabroad kong dika marunong mangutang....dahil bago ka makaalis mababaon ka muna sa utang.
-wag ka mag aabroad kung hindi mo kayang tanggapin na pagdating ng panahonn hindi malapit ang anak mo sayo at higit sa
lahat baka iwanan ka ng asawa mo..
-wag kang mg abroad kung di ka mahilig ng itlog at noodles...dahil
nagtitipid ka para may ipapadala pang MC DO ng pamilya mo.
-Wag kang mag aabroad kung ang hanap mo ay bagong pamilya dahil ang pag aabroad at pagtulong sa pamilya hindi dagdagan ang pamilya...
-wag kang mag abroad dahil naiinggit ka lang sa mga bagay na
meron ang iba o yung kapitbahay mo...
Dahil ang salitang ABROAD, masarap lang sa Tenga pero mapait kapag masubukan mo na.
BUO BA ANG LOOB MO? PWES PUNTA KA NA DOON!
FOR EXPERIENCE... MASARAP SIYA GAWIN.
FOR EXPERIENCE... MASARAP SIYA GAWIN.
PERO BABALIK KA PA BA DOON PAG EXPERIENCE NA GANITO:
Almost eight months na ako sa work ko na iyon when I discover something. Dati kasi sunod lang ako sa agos... pag sinabi ng establishment na may hawak sa amin na delayed ang sahod, ok lang sa akin. Aabisuhan ko lang ang pamilya ko na delayed din ang padala ko. Kaya daw ganun kasi delayed din magbayad ang Company kung saan kami nagwo-work.
One month, isang accounting staff ang nag-leave sa Company na iyon. Since ako yung medyo mabilis magtrabaho, I always seek from other department kung ano maitutulong ko. So sa madaling salita, naging overtime ko ang mag-work sa Accounting Department. I found out na hindi naman pala delayed magbayad ang Company kung saan kami naka-supply. Sabi ko sa sarili ko...may araw din kayo sa akin. Hinayaan ko yung nadiskubre ko although masakit din na ang sinisingil ng establishment na iyan sa Company kung saan kami naka-supply ay halos 2/3 lang ng sa sahod namin. Meaning, ang Company kung saan kami naka-supply at nagbabayad sa establishment at ang magiging sahod namin doon ay 1/3 lang. Diba, tubong lugaw ang mga establishment sa Saudi?
Tapos madalas ay delayed ang sahod kasi di daw nagbabayad ang Company na pinagsuplayan sa amin. Nagsawalang kibo ako dahil takot ako sa maaaring mangyari. Basta sabi ko lang may araw rin kayo sa akin.
So, bilang bawi ko... since accommodation namin ay medyo hindi gaanong safe para sa amin dahil may kalumaan na. Minsan nag-CR ako tapos natanggal ang toilet bowl muntik na akong mabuwal, sabi ko hindi tama ito. Ang laki ng kinikita nila sa amin tapos eto ang tirahan namin. Ginawa ko pina-picturan ko sa kasama ko ang mga di kanais-nais na sulok ng aming accommodations. Takot nga siyang gawin yun kaso sabi ko sa kanila pag di tayo gumawa ng hakbang baka magkasakit tayo dito. Dapat 'kako since isa tayo sa naghahanapbuhay para sa establishment which is malaki pa ang kinikita nila sa atin dapat we deserve a better place. So, ipinadala namin ang mga picture sa main office at laking gulat ng may-ari ng establishment sa Jubail. Ang akala daw niya nasa maayos na kalagayan ang mga tao niya. Yun pala pambayad ng accommodation kinukurakot lang ng pinaka-head namin sa Yanbu.
Naging malaking usapin yun sa establishment namin. Nandoon yung natatakot na ako dahil ako ang may pakana.
But I said to myself we deserve a better place. So, I demand it from our main office which is binigay naman nila lahat ultimong gamit sa kusina, mga kaldero basta lahat inilista ko kung anong mga kailangan namin. Nakipag-usap sa mga Arabong may paupahan sa lugar na iyon at kung ano-ano pa. Bali ako na rin ang naging coordinator pagdating sa accommodations namin. Hindi na kami pwedeng pakialaman ng dating head. Sa akin ipinapadala ang pambayad etc. Naging maayos naman ang takbo.
Hanggang isang araw may naiinggit na pala sa akin na kapwa ko Pinoy. So naka-monitor pala lahat ng ginagawa ko. Bilang Procurement Assistant nagagawa pa akong hiramin ng Safety Department para lang i-process ang mga manuals nila sa training na gagawin. Sa madaling salita, madami akong raket. Kapag ginusto kong mag-overtime nasa akin ang control. Ang siste pag-uwian na, pahirapan kasi wala nang service na susundo sayo. Katakot kaya sasakay ka ang taxi tapos Arabo ang driver. Hmmm alam niyo bang muntik na akong ma-rape?!? Pagsakay ko ng taxi kainis na driver di makaintindi ng English. Eh ang alam kong salitang Arabo ay "alatol" lang na ibig sabihin ay diretso lang. Aba eh biglang lumiko... sumigaw ako I said "alatol" hindi ako pinansin. Sabi ko "stop the car please!" then sabay bukas ng pintuan. Noong mabuksan ko ang pintuan saka lang tumigil ang hunghang... gusto kong manapak ng time na iyon. Kaya lang iniisip ko wala ako sa lugar. Ang ginawa ko naglakad na lang ako siguro may isang kilometro pa bago marating ang accommodations namin.
Mula noon di na ako nag-oovertime kapag walang sure na service na susundo. Noong ikwento ko yan sa main office kapag sinabi ko na mag-o-OT ako, tatanungin agad ako kung anong oras ako uuwi para sunduin ng driver. Oh diba, kailangan mong maranasan lahat to learn something, na meron ka pa lang karapatan para magrequest kung ano ang kelangan mo.
Dahil nga sa dami kong OT, mas malaki pa ang sinasahod ko sa mga matatagal ko nang mga kasamahan. At the same time sa Purchasing may mga supplier na nagbibigay ng commissions kapag sa kanila ka bumili ng supplies or materials. Ikinwento ko sa kasamahan ko, bawal daw tanggapin yun, kasi parang suhol daw yun. Sabi ko hindi ko naman hiningi yun, pero nakinig ako sa kanya, hindi ko na rin tinanggap. Ang kaso mo... appliances ang ibinibigay tulad ng TV which is naideliver pa talaga sa accommodations namin.
So, galit na galit na sa akin yung isang kasamahan kong Pinoy sa sobrang inggit. Siniraan at isinumbong na ako sa main office. Ako naman kanda explain sa email... hehehe! Magaling tayo jan sa essay writing.
Teka ang haba na nito... (sundan in my next blog!)
Teka ang haba na nito... (sundan in my next blog!)
No comments:
Post a Comment