
Pag-uusapan natin ngaun ang tungkol sa DREAM!
What is a dream?
Kay wikipedia ako nagtanong:
Sabi niya:
"Dreams are successions of images, ideas, emotions, and sensations that occur involuntarily in the mind during certain stages of sleep."
Pero may nabasa ako sa isang libro:
"If you want to make your dreams come true, the first thing you have to do is wake up." — J.M. POWER
Nakakalito?
Balik-tanaw na mga lang tayo nuong kabataan natin. Natuto tayong mangarap sa sarili natin. Ako pangarap ko noon maging Engr., pero sabi ng tatay ko di niya ako kayang pag-aralin ng ganoong kurso.
So, yung pangarap na iyon hanggang doon lang. Parang wala lang sa akin, matupad yun o hindi ang katwiran ko nun okay lang. Nanjan naman sila para suportahan ako. I never have it as a real dream... I mean, now that I understand what is a dream, kaya pala hindi siya natupad kasi I didn't see any images, feelings, ideas that will sensationalize my being to fulfill that kind of pangarap.
Tapos ito ngayon... makakabasa ka ng libro na may ganitong nakasulat:
"If you are born poor it's not your mistake but if you die poor its definitely your mistake."
Tapos si Bill Gates pa ang magsasabi sayo ng ganyan...
Diba? nakakaiyak... nakakahiya...
At ito pa...buklatin mo ang Bibliya... Ayon sa Deuteronomy 8:18,
Basa:
“You shall remember the Lord your God, for it is he who gives you power to get wealth, that he may confirm his covenant that he swore to your fathers, as it is this day.”
Ayun oh, Diyos na mismo ang naghahangad ng pag-unlad para sa bawat nilalang na nilikha niya. Aayaw ka pa ba?
Tapos sabay tanung sa sarili..." bakit ngayon ko lang nalalaman ito... sana noon pa, di sana'y hayahay na ang buhay ko ngayon."
Sagot ng konsensiya...parang si Bitoy sa komersiyal:
"Bakit, pagkatapos mo bang mag-aral ng high school humawak ka ba ng libro? Nagpatuloy ka ba para magbasa-basa...? Di ba hindi? Nasaan ka? Friendsters... barkadas...inuman dito...inuman doon...trabaho na kakapiranggot ang sweldo, pati uso ngaun Facebook. Di mo man lang inisip na kung nabasa mo noon ang mga nasa itaas na mga kataga, tama ka, hayahay na buhay mo ngayon, at marami ka na sanang mga taong natutulungan!"
Then, I find myself crying...huhuhu!
Eto pa, dakdak pa rin ng dakdak... nang-aaward talaga si konsensiya:
"Ok ganito at cge sabihin na nating napag desisyunan mo nang buhayin ang iyong mga pangarap. Paano mo ba sisimulang tuparin ang iyong mga pangarap."
"Ayon sa pag-aaral. Ang pag-susulat daw ng mga mga bagay na gusto mong mangyari sa iyong buhay sa isang papel o kardbord ay ang malupit na sekreto ng mga taong matagumpay / nagtatagumpay sa buhay."
"Gusto mong maging gaya nila? Sulat mo mga pangarap mo sa isang papel. Ang pag-susulat daw kasi ng iyong mga pangarap ay maaring bumuo ng isang milagro. Ang pagbubuo kasi ng mga bagay na gusto mo sa iyong isipan, ay masasabing kathang isip lamang. Hindi pa ito tuluyang nabubuo sa pisikal na mundo. Subalit ang pagsusulat ng mga bagay na gusto mo sa isang kapirasong papel o kardbord ay nagbibigay ng enerhiya upang maging kabilang sa pisikal na mundo ang nabuong imahinasyon mula sa iyong utak. Gaya ng pagkakabuo ng artikulong ito. Mananatili lamang itong enerhiya sa aking isipan at hindi kailanman magiging realidad kung hindi ko isusulat. At gaya ng enerhiya, unti-unti itong hihina hanggang sa tuluyan ng mawala at di na kailanman maisasakutaparan."
"Ang ating utak ay dinisenyo upang lumikha at may paniniwala ang mga taong may malakas na pakiramdam sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating paligid at sa mga bagay na mangyayari pa lamang, na ang ating kaisipan ay may kakayahang lumikha ng realidad."
"Kaya kung niniwala ka sa mga nakasulat sa artikulong ito. Kumuha na ng papel at panulat. Isulat mo ang iyong mga pangarap, isulat mo ang mga bagay na gusto mong makamit, mga bagay na magpaparamdam sa’yo na buhay ka, dahil buhay parin ang iyong mga pangarap."
Pakatatandaan:
"Ang pagsusulat ng ating mga pangarap ay hindi basta-basta. In English translation, writing down our dreams is not a “just-just”. Bigyan mo ng puso, para maramdaman ng iyong mga kapatid, at higit sa lahat makatulong ka sa iyong pamilya..."
Then bigla ako nagtaka at nagtanong? "Bakit yata lahat ng malalakas na TV network sa 'Pinas nabanggit mo na?"
Patuloy pa rin si Konsensiya..."wag kang magulo kasama yan sa script ko... may purpose yan kung bakit nanjan."
Una, kailangan nating maging specific sa mga bagay na gusto nating makamit. Isang halimbawa nito ang isang drayber na hindi alam kung saan ang pupuntahan. Sa tingin niyo ba makakarating siya sa kaniyang destinasyon kung hindi niya alam ang lugar na kaniyang patutunguhan? Kaya importante na alamin mong maigi kung ano ba talaga ang gusto mo. Isa pang halimbawa, ang isang building para maitayo... nakita na nang arkitekto yan kung ano ang hitsura, gaano kalaki, anong mga design. Kaya nga katakot-takot na plano ang kelangan pa-approban sa munisipyo para magkaroon ng permit sa pagpapatayo.
Pangalawa, alamin mo kung anu-ano o kung sinu-sino ang maaring makatulong sa iyo para sa pag-abot ng iyong mga pangarap. Halimbawa nito: may itatayo kang business, dapat alam mo kung sino-sino ang market mo?
Pangatlo, ihanda ang sarili sa maaring maging hadlang sa pag-abot mo ng iyong mga pangarap. Alamin mo ang mga bagay na ito at pag aralang mabuti kung paano mo ito malalagpasan. Dapat may mga bala ka tulad nito:
"If people aren't laughing at your dreams, your dreams aren't big enough." -Robin Sharma
“I've missed more than 9000 shots in my career. I've lost almost 300 games. 26 times, I've been trusted to take the game winning shot and missed. I've failed over and over and over again in my life. And that is why I succeed.” ------------ Michael Jordan
"I have not failed. I've just found 10,000 ways that won't work." Thomas A. Edison
"I can accept failure, everyone fails at something. But I can't accept not trying." - Michael Jordan
"Karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, walang magagalit, walang magtatanong o magbibilang kung ilang beses na akong nagkamali at ilang ulit dapat akong bumangon at dapat bumawi" --- Bob Ong
"O diba Justiniano... inipon ko yan para magising ka ng todo-todo"
Sa isip ko..."galit yata si konsensiya, buong-buo ang pangalan ko, may dagdag pa"
"Pang-apat, lagyan ng petsa ang mga bagay na sinulat mo. Importante na lagyan mo ng deadline ang iyong mga pangarap. Para ikaw mismo na sumulat nito ay makaramdam ng kahalagahan ng pagtupad nito."
"At ang panghuli ngunit hindi magpapahuli sa lahat. Mainam kung sa isang notebook o kardbord mo isusulat ang iyong mga pangarap. Di kaya naman, ipunin mo ito at ilagay sa isang folder, envelope o sa isang binder kung sakaling sa isang kapirasong papel mo ito isusulat.. Mahalaga na nasa ayos ito at huwag hayaan na nakakalat lamang. Tandaan na mga pangarap mo ito at responsibilidad mo na alagaan at protektahan ito. Ilagay mo rin ito sa lugar kung saan mo ito madali at madalas na makikita. Para lagi nitong ipapaalala sa’yo na may mga pangarap kang kailangan mong tuparin. Kung nakasulat ito sa kardbord o kartolina maaari mo itong idikit sa pader kung saan malapit ang kama mo, kisame ng kuwarto, kabinet na lalagyan ng toothbrush, aparador at iba pa."
"Minumungkahi ko na umpisahan ang pagsusulat ng mga bagay na maaari mong makamit sa luob lamang ng 1 buwan, tapos sa luob ng 3 buwan, 1 taon at hanggang sa ikaw mismo, sa iyong sarili ang makaalam ng pang habang-buhay mong pangarap habang isa-isa mong tinutupad ang mga bagay na gusto mo."
"Kung sakali man na hindi mo matupad ang mga bagay na sinulat mo sa luob ng palugit na ibinigay mo sa iyong sarili. Tanungin mong muli ang sarili mo kung gusto mo ba talaga ang bagay na ito. Kung sakaling “Oo”, bigyan mo ito ng extension. Pag-aralan mo itong mabuti, pilitin mong alalahanin ang mga detalye kung bakit hindi mo natupad ang sinulat mo sa luob ng palugit na ibinigay sa sarili. Sineryoso mo ba ito? Ginawaan mo ba ng paraan ang mga hadlang upang malagpasan ito? Tanungin mo ang iyong sarili. Dahil kung ang gawi mo ay hindi angkop sa mga bagay na sinulat mo, paano mo masasabing ikaw mismo ay karapat-dapat para sa mga pangarap na sinulat mo."
Pag-aralan mo ring mabuti kung hindi mo nga ba talaga natupad ang mga bagay na sinulat mo. Dahil baka nakamit mo na pala, hindi mo lamang namalayan dahil hindi ito dumating sa paraang iyong inaasahan. Isang halimbawa, ang paghahangad ng isang magandang relasyon. Hindi naman nabanggit ang kasarian nung hinangad mo ito o kung anong klaseng relasyon ba ang napapaluob dito. Maaaring nangyari na pala, hindi mo lamang namalayan. Maaaring sa isang kaibigan, katrabaho, kasama sa negosyo o sa Panginoon mismo. Kaya mahalaga ang pagiging espesipiko sa mga bagay na gusto nating makamit sa ating buhay.
"At ang pinakasekrito sa lahat - araw-araw within 30 minutes imaginen mo nandoon ka sa pangarap mo na iyon. Meaning kung kaya mong i-imagine yung sarili mo habang nakapikit sa isang tahimik na lugar, walang masyadong ingay, ramdamin mo ung feeling na masayang masaya dahil natupad na pangarap mo, hold it that way, i-enjoy mo lang lahat, feel and smell what is going there in your mind. Then, you will see Jesus at the end of the line nakangiti sayo... siyempre ngingiti ka rin sabay yakap sa kanya at nagpapasalamat ng napakaraming pasasalamat. Then dahan - dahan idilat ang mata at i-release ang inimagine sa universe."
"Balik trabaho ka na the normal way. Don't let a negative vibes ruin even a single day, kapag may ganun sitwasyon lumayo ka na nang kusa, please lang."
"Ang importante ngayon nai-release mo siya sa universe kung saan in due time magugulat ka...it will be yours."
"Maniwala ka sa mga bagay na gusto mong makamit sa buhay mo at higit sa lahat maniwala ka sa sarili mo."
At hirit pa ni konsensiya: "Tama yang ginagawa mo... ang FACEBOOK pagkakitaan na yan, Good Boy!"
No comments:
Post a Comment